Posts tagged hindi ko maikakaila

hindi ko maikakaila

parang kailan lang, puso ko’y walang sigla, nangangamba, nag-iisa, hanggang sa makilala ka. binigyan mo ng kulay ang aking mundo, pangamba sa puso ko dagling pinawi mo. buhay ko’y nagbago ng dahil sa’yo.

ikaw ang lahat sa akin. pumukaw sa puso, isip at damdamin. wala nang mahihiling.

hindi ko maikakaila. pag-ibig mo’y sadyang wagas, dakila at tapat mula pa noon hanggang ngayon. hindi ko maikakaila, sa piling mo’y ganap ang tuwa, sigla at galak o aking Panginoon. hindi ko maikakaila. sadyang hindi ko makakaila.

                                                   – pido lalimarmo/papuri xvi

lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang sa aking dakilang manggagamot at tagapagligtas!!!! salamat sa iyo Panginoong Hesus! Mahal na mahal kita!

Advertisements

Comments (19) »